28 October 2009 // Club Filipino, Greenhills San Juan
Isang maganda at pinagpalang umaga at maraming salamat po sa pagdalo niyo sa umagang ito.
Madalas ko pong sinasabi na ang desisyon, o pagkakaugnay sa pagtakbo o di pagtakbo, o pagtakbo sa partikular o ano mang posisyon dapat personal sa isang tao at hindi dapat pinapasa o inaasa kanino man.
Let that be the first test of leadership of any putative candidate –for that person to decide on his own whether or not he will run, and what position he will run for.
Hayaan niyo pong patunayan ko yan sa araw na ito. Nais ko pong ipabatid na ako po ay nagpaalam na at nagresign na bilang miyembro ng Nationalist People’s Coalition o NPC.
Ito po ang partidong kinabilangan ko mula pa noong 1998, noong ako ay pumasok sa larangan ng pulitika. Ito po ay aking ginagawa sa tatlong kadahilanan.